2. Ang Humanismo at Humanista
Humanismo ang tawag sa kilusang nagbibigay-
diin sa kahalagahan ng buhay ng isang tao. Ito rin
ang nagtataguyod sa kakayahan, talino, at
kagandahang-asal o moralidad ng isang tao.
3. Ang Humanismo at Humanista
Humanista ang tawag sa tagapagtaguyod ng
kilusang ito. Naniniwala ang mga humanista na ang
tao ay naghahanda hindi lamang para sa kabilang
buhay kung hingi maging sa mundo.
4. Ang Humanismo at Humanista
Naging mapanuri at mapagtanong ang mga
humanista sa mga bagay-bagay. Napanatili nila ang
kanilang pagiging maka-Diyos ngunit lagi silang
nagtatanong at limitado ang kanilang pagsunod sa
turo at paniniwala ng Simbahan.
7. Franchesco Petrarch
Si Franchesco Petrarch na isang
Italyanong iskolar at manunula ay
tanyag na humanista. Itinuring siya
bilang “Ama ng Humanismo” at “Ama
ng Renaissance.”
8. Franchesco Petrarch
Dalubhasa siya sa tulang liriko
na isinulat niya sa wikang Italian.
Mahusay siya sa mga akdang Latin
gaya ng isinulat ni Cicero – ang
pinakadakilang orador ng Romano.
9. Franchesco Petrarch
Ang Canzoniere o Songbook
ang pinakamahalagang akda ni
Petrarch na naglalaman ng mga
koleksiyon ng mga awit ng pag-ibig
patungkol sa kaniyang sinisintang si
Laura.
11. Baldassare Castiglione
Si Baldasarre Castiglione
naman ang sumulat ng The Book of the
Courier. Ito ay naglalarawan sa
katangian ng lalaking maginoo na may
kagandahang-asal.
12. Baldassare Castiglione
Tumagal ang pagsusulat niya ng
akdang ito nang maraming taon simula
1508 at nailimbag lamang ng Aldine
Press sa Venice noong 1528.
14. Giovanni Boccaccio
Si Giovanni Boccaccio ay isa
ring humanista na tagasunod ni
Petrarch na naging tanyag sa akdang
The Decameron, isang koleksiyon ng
100 na nakatatawang kuwento na
isinulat noong 1350.